Saturday, September 12, 2009

" Mga Batang Lansangan "






Hindi ba natin napapansin ang patuloy na pag-apaw ng ating populasyon? At dahil dito marami na ring mga bata ang napipilitang tumira sa lansangan dahil sa kawalan ng tirahan. At ang iba naman ay iniwan na lang ng kanilang mga magulang sa lansangan mula pagkabata dahil sa hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga pangangailanagan . ‘Di ba’t sila’y nakaaawa? Nakalulungkot mang isipin na wala akong magagawa upang sila ay matulungan. Dahil ako ay isang hamak na bata lamang. Kaya kahit sa maliit na paraan man lang ay makatulong ako sa kanila sa pamamagitan ng pagpaparating ng mensahe sa bawat taong bumamasa sa blog na ito.




Minsan naitatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi natin binibigyan ng kahit kapiranggot na pansin ang mga bata sa lansangan. Maging ang ating “GOBYERNO” na dapat ay ang nagbibigay ng lubos na pansin ay wala ring pakielam. Naitatanong ko rin minsan sa aking sarili kung san kaya dadalhin ng mapaglarong tadhana ang mga kaawa-awang batang ito? May mga tao bang busilak ang kalooban na tutulong sa mga batang ito upang mabago ang ‘di kaaya-aya nilang landas sa buhay? Anu kayang magiging kinabukasan nila? Hindi ba’t nakaaawa ang mga batang tulad nila? Ang tanging hinihiling ko na lang para sa kanila ay sana merong mga taong may malasakit man lang sa mga batang ito na bigyan man lang ng kahit kaunting pansin. Nang maramdaman man lang nila na kabilang sila sa mga anak ng Dyos tulad natin. At nang maramdaman rin nila na hindi sila iba sa’tin, at para na rin naman maramdaman nila ang kahit kaunting pagmamahal at aruga galling sa isang kapamilya.




By: ulquiorra xtin17








No comments:

Post a Comment